Little Miss Muffet

Maraming Namamatay Sa Maling Akala

Posted on: March 2, 2011

Hindi naman literal. Pero maari naman.

Pinakamasakit sa lahat?

AKALA MO, M.U. kayo! O, ano? Nakakarelate ka na ba? Sige. Mainis ka lang. Alam kong mayroon ka ng gustong suntukin ngayon.

Pero bago ang lahat, simulan muna natin sa ganito.
M.U. — Malabong Usapan

Yung tipong parang kayo pero hindi naman. Nagkakatext. Nagkakasama. Nagkakausap.

Ano pa ba? AHH.

Naglalambingan. Kahit hindi mo alam kung lambingan nga ba ito o landian.

At dahil diyan sa paglalambingan slash paglalandian niyo, akala mo mayroon ng namamagitan sa inyo. Pinagkakatiwalaan mo na siya. Dahan dahan, nahuhulog ka na sa kaniya. Mapapaisip ka tuloy…

Ano nga ba mayroon sa atin?

Hay, nako. Kung ako sayo. Wag na wag ka muna mahuhulog hanggang hindi mo alam kung ano ba talagang namamagitan sa inyo.

Nako. Pwede ka nga palang magselos… pero wala ka nga lang karapatan.

Pwedeng pwede mo rin siya lambingin… kaso isipin mo baka may ibang lumalambing sa kaniya.

Napaparanoid ka na ba?

Tapos bigla mong malalaman na… may nanglalandi sa kaniya.

Gera ba gusto niya? ABA!

ABA! Teka, hindi naman siya sayo, hindi ba?

Nasaktan ka ba? Pero yung ang katotohanan. Malay mo, ikaw lang natuluyang nainlove sa kung ano man meron sa inyo. Sabi kong linawin muna!

E paano kung sabihin niya na normal lang pala yun sa kaniya?

Patay ka. Patay. Tignan mo! Normal lang pala eh. May pa-M.U. ka pang nalalaman.

Akala ko lang… Iba kasi siya sa akin. Akala ko lang pala yun.

Alam kong nasaktan ka. Direkta man o hindi, pinaasa ka pa rin niya, hindi ba?

Oo. At ang sakit sakit.

Tapos malalaman mo, may totoong ka-M.U. na siya. Tapos yung kakakilala pa lang niya. Taob ka?

Ako yung laging nasa tabi niya. Ako ‘tong lagi niyang kausap, katext at kasama. Ako yung laging nasa tabi niya. Tapos ipagpapalit lang niya ako?

Teka… hindi ka naman niya pinagpalit. Masakit man tanggapin. Inakala mo lang na M.U. kayo.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Guess Who?

Retro Shot. Jeco Olimpo 2010 (c)

Oh, hello.

First of all, I have no idea why you're here. It's either you're a random passer-by or an extreme stalker.

Who knows I had this blog? I'm in Tumblr already. Maybe, I just needed a real blog. Not the OOOOH!! I like this. *CLICKS REBLOG* kind of blog.

So, anyway. Just sit back and relax. If ever you find this blog annoying, feel free to click the red X button at the upper right corner of your browser or you could simply hit ALT + F4

Blog Stats

  • 5,046 hits
%d bloggers like this: